SOLVED! Messenger "This Person Is Not Available in Messenger" Bug!

Hirap ka ba i-message ang friend mo sa Facebook gamit ang messenger app o 'di kaya nagtataka ka kung wala kang narereceive / na kahit anong messages sa inbox mo sa Messenger app? Baka isa ka sa mga apektado ng bug na to.

And yes, isa ako sa apektado ng bug na 'to sa Messenger na nagsimula ng late January / at base sa napapansin ko, hindi lang ako ang apektado ng issue na 'to.

Dahil dito, di ako ma-message ng mga friends ko, pamilya ko, ka-work ko and professional circles ko, at nagugulat na lang ako / tinatawagan nila ako para sa dapat sana'y PM o personal message nila sa akin.

Duda ko, baka dahil to sa pagdeactivate ko ng isang buwan kaya nagkakaproblema ang messenger sa end ko.

As of this moment, wala anumang statement ang lumabas mula sa Meta, ang may gawa ng Facebook Messenger at wala ding kahit anong workaround solution para sa issue na ito.

Sa ngayon, may ilang post akong nakikita, at suggestion na din ng kaibigan ko na workaround solution, na kalaunan naman ay gumana naman.

Ang gawin lang, sa mobile, i-archive ang message ng taong nagkaka-"This Person is Unavailable sa Messnger" o di kaya, pwede i-instruct sa kaibigan mong nagrereklamo na i-archieve ang message (sa iOS, swipe left then archve, sa Android, tap and hold then archive) at isearch ang convo ng apektadong user. Hindi ito gagana sa unang try, pero ulit-ulitin lang ang proseso hanggang sa magpakita ang textbox kung saan makakapag-type ka na ng message sa taong apektado ng issue na to.

 



Wag din kalilimutan na i-update ang Messenger app para magawa ang steps na ito.