Hi! Question. Paano Nga Maging WebDev Ulit? HELP!

Me during our 'overnight' project development. 'Yung feeling na nag-work ang code ng grupo niyo! Hahaha! (Jan 1, 2012 | JR Grate)
Hi everything! Hahahaha! How's the ECQ and #CreativeQuarantine doin'?

(April 20, 2020, Makati City) It is Day 35 of Enhanced Community Quarantine since it has been implemented to Luzon area due to COVID-19. Alam kong bored na ang lahat sa atin dahil wala na tayong magawa, as in everyday! Wala tayong pasok, wala tayong ginagawa, at di makalabas ng bahay, makipagsalamuha sa ibang tao maliban sa ating mga pamilya.

It is Day 35 pero ngayon lang ako nakaisip ng ano ang magandang gawin sa mahaba-habang bakasyon walang pasok na 'to, sana 'di pa late.

Dahil sa walang pasok, parang gusto ko gawin ang dati kong ginagawa base sa natapos kong kurso, maging Web Developer! Yes, dati akong Web Developer. May project/s ako sa isang mobile industry dati (na siyang nagpa-open din sa akin ng opportunity sa Social Media) at isang BPO-IT-based company. Ewan ko, parang nakaka-thrill ulit na magpaka-babad sa isang block of code kakaisip kung paano mapagana yung isang feature sa project. Nakakamiss din palang magtanong sa Stackoverflow, searching for some answers sa error ng program niyo.

Nagsimula akong matuto mag Adobe Premier Pro at konting After Effects  'nung 2013, noong naging volunteer kami ni Emman Lorilla na maging video team sa Ambassador and Ambassadress of Goodwill 2013 (Mr and Ms UMak Scholars). (March 27, 2013 | Emman Lorilla)
Before na ma-experience ko ulit na maging web dev, paano ba magsimula ulit? I am too outdated na ba sa technologies now? 6 years na akong hindi nakakapag-code in practice, for sure madami-dami akong bagong web technologies, framework, scripting side languages, and database technologies na dapat matutunan.

Sa ngayon, nag-aaral ako ng Python. Nagka-idea lang ako pag-aralan to kasi napa-browse ako sa mga job openings sa Facebook, halos di nawawala ang Python. I know na still, in-demand pa din ang mga careers na related sa Developers. Without thinking the salary, parang gusto ko lang ulit mag-build ng project, as in functional project. May naisip akong web project na makakatulong sa season na to, pero later ko na ishi-share.

Paano nga ba magsimula ulit? Help! Drop your comments nga, gusto ko na ulit mag-code :(